Panganganinag sa unang artikulo: Pari nanggahasa sa disisyeteng anyos na babae
- Gabbie Jimenez & Queenie Yason
- Dec 11, 2015
- 1 min read
Makikita natin sa artikulo na pinakita namin, madaming nangyayari na hindi ka nais nais kung saan nang gagahasa ang mga pari ng mga inosenteng babae mapa. Maiikumpara ito isa sa mga isyu ng El Filibusterismo, mayroon na kabanata kung saan maipapaliwanag ang nangyaring pang gagahasa sa isang babae ng pari. Ito ay ang kabanata 30, sa kabanata na ito makikita na si Juli ay malakas ang loob na ilagay ang kanyang buhay sa panganib para kay basilio. Malakas niyang lapitan si Padre Cammora dahil may kailangan si Juli, siya ay kilala na mahilig sa kababaihan. Kaya niya ito ginawa dahil iniisip niya may kakayanan si Padre Camorra palayain si Basilio sa kulungan bago siya ipapatay. Humingi ng kapalit si Padre Camorra, mamatulog si Juli ng isang gabi kasama siya. Pumayag si Juli sa hiling ni Padre Camorra. Ang totoong nangyari ang si Juli ay na rape siya ni Padre Camorra. Nag pakamatay si Juli.
Maikukumpara ang dalawang kwento dahil ang mga babae na nagging biktima ng mga pari ay walang kamalay malay kung ano ang ginawa ng mga pari. Sila ay mga inocente na binaboy ng mga pari. Kung sila man ay nabuhay pagkatapos gahasain sila ay dadaan sa matinding depresyon. Ito ay nagiging bungga sa mga hindi kaakit akit na pangyayari. Sila ay dapat makakuha ng tamang hustisya at turuan ang mga kababaihan para maiwasan ang mga masasamang pangyayari katulad na lamang sa nangyari kay Juli at ang babae na narape ng pari sa Agusan Del Norte.
Recent Posts
See AllTulaIsang mysteryoso lalaki, walang masabi Walang magawa kungdi mang-api Gusto niya ng kapayapaan Para sa kanyang bayan maraming...
Comments